NAMAYAGPAG | Democratic Party, kontrolado ang Congress ng Estados Unidos

Namayagpag ang mga kandidato ng Democratic Party sa Congress para makuha nito ang mayorya sa House of Representatives sa kakatapos lamang na mid-term elections sa Estados Unidos.

Nakakuha ng 209 na congressional seats ang Democratic Party kumpara sa 195 lamang ng Republican Party. Ibig sabihin makokontrol ng mga Democrat ang Congress partikular na ang mga committee nito.

Naging makasaysayan din ang mid-term elections dahil nahalal ang unang mga babaeng Muslim at Native American sa Congress.


Ibinoto rin ang unang openy gay governor at unang babaeng gobernador ng Guam.

Nahalal din ang pinakabatang kongresista sa edad na 29-anyos.

Hindi man nakaporma sa Congress, mananatili namang nasa mayorya pa rin ang Republican Party sa Senado.

Facebook Comments