LINGAYEN, PANGASINAN – Nakikipag ugnayan umano ang Police Regional Office 1 sa mga local chief executive dahil sa patuloy na pagbabantay sa mga border checkpoints at may mga nahuhuli parin na lumalabag at lumulusot papasok sa iba’t ibang probinsya ng Rehiyon 1.
Ayon kay PLtCol. Abubakar Mangelen Jr, Chief ng Regional Information Officer ng PNP Region 1, pahirapan umano silang makipag ugnayan sa mga LGUs at prosecutors dahil sa ang ilan sa mga nahuhuli ay sa araw ng Sabado at Linggo kaya naman ay hinahayaan umano silang magbayad ng fines sa mga local chief executive depende naman sa ibinabang ordinansa ng mga ito.
Karamihan pa umano sa kanilang nahuhuli ay mga pumepeke ng mga travel documents at maging sa mga nagpapanggap na Authorized Person Outside Residence o APOR para lamang makalusot sa checkpoints na kung saan ito ang may pinakamaraming nahuli ng pulisya.
Pinapaalalahanan at patuloy na nagbabala ang pulisya sa mga patuloy na pumupuslit at namemeke ng mga dokumento dahil sa patuloy nila umanong binabantayan ang mga ito.
Sa katunayan umano ay may mga listahan na sila ng mga pangalan at detalye ng mga sasakyan na naunang nahuli at ito ay naibigay na at hawak na mga personnel sa mga borders at sila ay naka strict monitoring sa mga ito.###