NAMFREL,  bukas sa pakikipag-usap sa COMELEC matapos umatras bilang accredited citizen’s arm ng poll body

Bukas ang National Citizens Movement for Free Elections o NAMFREL na makipag-usap sa COMELEC.

Kasunod ito ng pag-atras ng NAMFREL bilang accredited citizen’s arm ng COMELEC sa darating na may 13 Midterm Elections.

Ayon kay Eric Alvia, Secretary General ng NAMFREL, hanggang ngayon ay blanko pa rin sa sila sa dahilan ng COMELEC sa hindi pagbibigay sa kanila ng dalawa pang function sa halalan.


Matatandaang ang Random Manual Audit (RMA) lang ang ibinigay ng COMELEC at tumanggi nang ibigay ang Automated Systems Monitoring at open election data project.

Giit ni Alvia, para silang binigyan ng maraming responsibilidad pero pinagkaitan naman ng kagamitan para ito ay magampanan.

Aniya, malaki ang ginagampanan ng mga election watchdog sa proseso ng halalan.

Marami kasi aniyang aspekto sa eleksyon na labas sa Automated Election System ang dapat bantayan gaya ng vote buying, paggamit ng dahas at pagsupil sa karapatan ng tao na lumahok sa botohan.

Facebook Comments