Namfrel, hindi na makakatuwang ng Comelec sa may 2019 midterm elections

Hindi na magiging katuwang ng commission on elections sa nalalapit na 2019 midterm elections ang National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel).

 

Ito’y matapos na umatras ang Namfrel dahil sa tinanggihan ng comelec ang kanilang petisyon na maka-access sila sa pagkuha ng impormasyon at data.

 

Nagpasalamat naman ang Namfrel sa Comelec matapos silang bigyan ng accreditation para magsagawa ng Random Manual Audit (RMA).


 

Pero giit ng Namfrel na kung wala naman accessiblity sa information at data ay hindi din sila makakapag-participate sa RMA.

 

Magkaganoon pa man, ipagpapatuloy pa rin ng Namfrel ang kanilang mandato na tiyakin malaya at tapat ang halalan kung saan plano nilang magbigay ng tulong sa paghahanda sa nalalapit na 2019 elections.

Facebook Comments