Kasabay ng pagsisimula ng election period bukas (January 13) hinimok ngayon ng National Citizens’ Movement for Free Elections o NAMFREL ang publiko na maging “citizen election observer” para sa may 2019 Midterm elections.
Ayon sa NAMFREL, maaaring maging citizen election observer ang sinuman sa kani-kanilang komunidad.
Payo ng NAMFREL, kung mayroong mapansin o makitang anumang uri ng election violation, maaaring kunan ito ng litrato, i-dokumento ito o kumalap ng mga ebidensya at i-report sa Commission on Elections o Comelec at NAMFREL.
Muli namang ipinaalala ng NAMFREL ang ilang mga ipinagbabawal tuwing election period, alinsunod sa Comelec.
Kung walang otorisasyon mula sa poll body, bawal ang pagdadala ng armas o iba pang deadly weapons, paggamit ng security personnel o bodyguards ng mga kandidato at organization o maintenance ng reaction forces, strike forces o iba pang kahalintulad.