NAMFREL, hiniling sa Kongreso na magpasa ng batas para baguhin ang registration process

Hinihiling ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Kamara at Senado na magpasa ng batas para baguhin ang proseso ng voter’s registration.

Ito ang inihihirit ng NAMFREL sa isinumite nitong report sa Commission on Elections (COMELEC) kung saan nabigyan ng kopya ang Kongreso.

Nilalaman ng report ang mga obserbasyon nito sa katatapos na voter registration.


Kabilang sa rekomendasyon ng NAMFREL sa sangay lehislatura ay ang mga sumusunod.

Payagan ang data sharing agreement sa pagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Comelec.

Ayon sa grupo, kung magagamit na ang National ID na kapalit ng voters’ registration, maiiwasan na ang mahabang pila sa paghahanap ng mga pangalan tuwing eleksyon.

Madali na ring mabuking ang mga flying voters o ang pagboto ng mga taong patay na.

Dapat rin umanong payagang makapag-share ng data ang civil registrars at COMELEC ng mga data para sa detalye ng mga taong tutuntong sa edad na kinse anyos para sa SK elections at sa mga 18 years old para sa regular elections, plebiscites, referenda.

At dapat ding amyendahan ang batas ang pagpapataw ng parusa para sa mga kataong ‘di nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.

Facebook Comments