NAMFREL, pormal nang hiniling sa COMELEC ang kanilang accreditation para maging citizens arm sa May 2022 elections

Naipadala na ng National Citizens’ Movement for free Elections ang kanilang formal letter sa Commission on Elections.

Ito ay para opisyal na hilingin sa COMELEC ang kanilang accreditation para maging citizens arm sa May 2022 elections.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NAMFREL Secretary General Eric Jude Alvia na kabilang sa mga ilalatag nilang aktibidad sa 2022 national at local elections ay ang mahigpit na pagmo-monitor ng halalan, pagsasagawa ng random manual audit, open election data website at ang Parallel Vote Tabulation (PVT) para matiyak ang transparency sa bilangan.


Hihilingin din ng grupo sa COMELEC ang paglalagay ng QR code sa mga election return.

Facebook Comments