NAMFREL, walang pagsisisi sa pagkalas bilang citizen arm ng Comelec

Manila, Philippines – Walang pinagsisisihan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa pagkalas bilang accredited watchdog ng Commission on Elections o Comelec ngayong May 13 elections.

Ayon kay NAMFREL Treasurer Lito Averia, hindi binigyang halaga ng Comelec ang kanilang hiling na mabigyan sila ng access sa key election data.

Ang nasabing data aniya ay magbibigay sa kanila ng ideya sa tunay na kalagayan at kaganapan ng halalan.


Dumepensa naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez, na wala sa posisyon sa nasabing usapin.

Ayaw din aniya ng Comelec na magkaroon ng pagkalito ang publiko.

Sa ngayon ay naghahanap na ng bagong civilian partner ang Comelec.

Facebook Comments