NAMIGAY NG PAMASKO | Mga batang maysakit, dinalaw ni P-Duterte kahapon

Manila, Philippines – Walang inilabas na official schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon pero dinalaw ni Pangulong Duterte ang mga batang pasyente ng Mary Johnston hospital sa Maynila kahapon.

Namigay ang pangulo ng pamasko sa mga batang may sakit.

Batay sa kuwento ng isang kaanak ng batang may sakit ay namigay ang pangulo ng mga laruan sa mga batang pasyente at grocery items naman sa mga magulang.


Kumanta pa aniya ang pangulo sa isang batang may malubhang sakit at nangako na sasagutin ang gastusin sa ospital ng mga batanh kanyang dinalaw.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bukod sa Mary Johnston Hospital ay nagpunta din ang pangulo sa Hospicio de San Jeso pero hindi na ito naglabas pa ng iba pang detalye.

Nakita din naman ang pangulonsa greenbelt sa Makati City kahapon kung saan ayon kay Secretary Bong Go, ay bumili ang pangulo ng backpack na lalagyan ng magazine ng baril.

Ang mga pinunyahan ng pangulo kahapon ay hindi inanunsiyo ng Malacañang.

Facebook Comments