Manila, Philippines — Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nakikialam ang Estados Unidos sa planong pagbili ng Pilipinas ng mga military equipment sa Russia.
Matatandaan na nagpunta si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Russia para mag-ikot at tignan ang mga military equipment tulad ng Submarines at ilang eroplanong pang-militar.
Ayon kay Roque, binigyang diin ng Pangulo na hindi niya maintindihan na ang isang batas na ipinatutupad sa Amerika ay magiging epektibo din sa Pilipinas.
Wala din naman aniyang amerikano na bahagi o kasama sa bilihan ng mga kagamitan kaya ang tanong aniya ng Pangulo ay bakit ipinipilit ng Amerika na sakupin nila, sa pamamagitan ng kanilang mga batas ang Pilipinas, na isang malayang bansa.
Sinabi din ni Roque na ang mahalaga ay makabili ang Pilipinas ng mga kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines na layong mapalakas pa ang kakayahan nito na protektahan ang mamamayan at labanan na rin ang terorismo.
Dag-dag pa ni Roque, ang gusto lang ng Amerika ay makabenta pero mayroon naman aniyang iba pang pamamaraaan para makabenta nang hindi sa pananakot at panggigiit na siguradong papalagan ni Pangulong Duterte.
NAMIMILIT | Pagpupumilit ng Amerika na ipatupad ang kanilang batas sa Pilipinas, palaisipan kay Pangulong Duterte
Facebook Comments