Wednesday, February 18, 2026

NAMRIA, inilabas na ang opisyal na administrative map ng Pilipinas na malinaw na ipinapakita ang WPS bilang bahagi ng maritime jurisdiction ng bansa

Inilabas na ng National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA ang opisyal na administrative map ng Pilipinas na malinaw na ipinapakita ang West Philippine Sea (WPS) bilang bahagi ng maritime jurisdiction ng bansa.

Kasunod ito ng patuloy na pagkwestyon ni Senador Rodante Marcoleta at apela na pagsikapan ng gobyerno na makapag-drawing ng mapa na kasama ang WPS.

Binigyang-linaw ng NAMRIA na simula pa noong 2012 ay pormal nang ginagamit ng Pilipinas ang pangalang WPS sa mga government publications alinsunod sa umiiral na patakaran.

Ayon sa NAMRIA, ang mga opisyal na mapa at nautical charts ay ginagamit upang ipagtanggol at tiyakin ang maritime jurisdiction ng bansa sa WPS at nagsisilbi rin bilang teknikal at praktikal na batayan para sa mga mandaragat, planners, researchers, at iba pang institusyon lokal man o labas ng bansa.

Paglilinaw naman ng NAMRIA, ang exclusive economic zone ng Pilipinas ay umaabot hanggang 200 nautical miles mula sa archipelagic baselines ng bansa.

Facebook Comments