Friday, February 20, 2026

NAMRIA, naglabas na ng Administrative Map sa mga teritoryo ng Pilipinas —DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naglabas na ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ng Administrative Map na naglalarawan sa mga teritoryo ng soberenya ng Pilipinas.

Ayon kay DFA Spokesperson on Maritime Affairs Rogelio Villanueva Jr. kabilang dito ang Kalayaan Island Group , Bajo de Masinloc, at iba pa.

Tiniyak din ni Villanueva ang patuloy na commitment ng DFA at ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagprotekta sa soberenya ng Pilipinas gayundin sa sovereign rights, at hurisdiksyon.

Tiniyak din ng DFA na patuloy nitong ipaglalaban ang maritime rights at mga interes ng bansa sa pamamagitan ng epektibong diplomasya.

Kinumpirma rin ni Villanueva na nagkaroon ang DFA ng 11 maritime dialogues, kabilang na ang Canada at Estados Unidos.

Facebook Comments