Namumurong taas-presyo sa ilang Noche Buena items, kinumpirma ng isang supermarket association

May namumuro na namang taas-presyo sa ilang Noche Buena items ngayong buwan.

Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na ilang manufacturers ang nag-abiso ng dagdag-presyo ngayong Nobyembre.

25 centavos hanggang dalawang piso kung malalaking pack ang itataas sa pasta, toyo at cooking mix o mga panimpla.


Bukod sa Noche Buena items, magtataas din ang presyo ng toothpaste, toothbrush, mouthwash at lotion.

Nilinaw naman ni Cua na masyadong apektado ng serye ng oil price hike ang presyo ng grocery items.

Isa aniya sa mga dahilan kung bakit kailangang magtaas ng presyo ng mga manufacturer ay dahil sa kanilang gastusin kabilang ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga manggagawa.

Naniniwala naman si Cua na marami pa rin ang mamimili ngayong Christmas season sa kabila ng inaasahang taas-presyo sa Noche Buena products.

Facebook Comments