NANAKSAK | Construction worker, arestado sa Makati

Makati City – Nakapiit ngayon sa Makati City Police Station ang isang construction worker matapos na saksakin nito ang kasamahang construction worker sa Samar St., Barangay Pitogo, Makati City.

Arestado ang suspek na si Rolando Pascua y Tullao, 43-anyos, construction worker, residente ng Samar St. Pitogo matapos na saksakin nito ang biktimang si Reggan Singlaw, 32-anyos, construction worker nakatira rin sa naturang lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Makati PNP, kagabi ng alas 10:30 nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at suspek kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak kung saan tinamaan sa tiyan, kaliwang braso at kamay ang biktima na agad namang isisunugod sa Ospital ng Makati para mabigyan agad ng kaukulang lunas.


Papatakas na sana ang suspek matapos ang naturang insidente pero nakorner ito ng mga kagawad ng Bantay Bayan kung saan nabawi sa kanya ang ginamit na patalim sa biktima.

Facebook Comments