Manila, Philippines – Arestado ang dalawang babaeng mandurukot matapos na mambiktima ng babaeng nakapila sa pahalik sa Poong Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Roseta Macato at Marilyn Oyong.
Ayon kay MPD Station 3 Chief Supt. Arnold Thomas Ibay – bahagya pang nagkagulo sa pila nang magsisigaw ang biktimang si Cristy Cortez nang mapansin niyang dinudukutan siya.
Agad namang nahuli ng mga rumespondeng miyembro ng citizen crime watch ang dalawa at nabawi ang cellphone ng biktima.
Kasabay nito, nagpaalala ang pulisya sa mga magpupunta sa Quiapo para sa Pista ng Itim na Nazareno na iwasan na munang magdala ng mamahaling gamit at maging mapagmatiyag sa paligid.
Facebook Comments