NANAMBANG | Rizal Provincial Police Office, kinukumpirma pa kung NPA ang nasa likod ng pananambang sa mga SAF members sa Antipolo noong linggo

Manila, Philippines – Kinukumpirma pa ng Rizal Provincial Police Office kung mga miyembro nga ng New People’s Army ang may kagagawan ng nangyaring pananambang sa mga miyembro ng Special Action Force sa Antipolo, Rizal noong Linggo.

Sa interview ng RMN-DZXL kay Rizal PPO Director Sr./ Supt. Albert Ocon – aniya, may nagpadala na sa kanya ng impormasyon na mga miyembro ng npa ang responsible sa insidente.

Gayunman, kailangan pa nila itong kumpirmahin.


Muli namang nilinaw ni Ocon na hindi totoong dinukot ng mga NPA ang dalawa pang SAF members.

Nagtago lang daw sila sa mga puno para makaposisyon at makaganti sa mga kalaban.

Facebook Comments