NANANAGINIP | Kagustuhan ni Joma Sison na mapatalsik si PRRD, isang panaginip – Malacañang

Manila, Philippines – Tinawag na mayabang ng Palasyo ng Malacañang si Communist Party of the Philippines founding Chairman Joma Sison dahil sa pagaakala nito na ito ang tagapagligtas ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nananaginip si Sison nang sabihin nito na hindi matatapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino dahil patatalsikin ito ni Sison.

Binigyang diin ni Roque, hinding hindi ito magagawa ni Sison dahil unang una ay wala naman ito sa Pilipinas.


Kaya naman hinamon ni Roque si Sison na umuwi at mamuhay dito sa Pilipinas nang makita nito na iba ang kondisyon ng bansa at hindi na mangyayari ang kanyang panaginip.

Ibinida ni Roque na napakaganda ng ekonomiya ng bansa, totoong mayroon paring mga mahihirap pero marami nang nakaahon sa kahirapan at hindi ito nakikita ni Sison dahil matagal na itong nanirahan sa ibang bansa.

Binigyang diin ni Roque na panaginip lang ni Sison ang kanyang kagustuhan na mapatalsik ang Gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments