NANANAKIT RAW | John Estrada, kakasuhan daw ang isang showbiz reporter

Manila, Philippines – Itinanggi ng aktor na si John Estrada ang akusasyong pananakit at pananantsing daw niya sa co-star na si Mylene Dizon.

Ito ang reaksiyon ng 44-year-old actor sa report na dalawang beses umanong nasaktan ni John si Mylene habang ginagawa nila ang magkahiwalay na eksena sa isang drama serye.

Say ni John, hindi daw niya basta basta pinapatulan ang mga ganitong kababaw na write-up pero hindi na daw niya kaya ito.


Sa tanang buhay daw niya ay hindi pa siya nanakit ng babae.

Pinagbantaan din ni John ang nagsulat ng balita na idedemanda.

Batay sa report, “sinikmuraan” umano ng aktor si Mylene at tila hindi raw ito dinaya.

Bago ito, “nasampal” din daw ni John si Mylene sa isa pa nilang eksena na “ikinairita” ng aktres.
“May personal daw na problema” ang aktor at baka nadadala nito sa kanyang mga eksena.

Papatayin na rin daw ang karakter ni John sa teleserye “dahil nagiging problema” ito sa taping.

Facebook Comments