NANANAMANTALA | Wag sumakay sa kolorum na bus – LTFRB

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng LTFRB ang publiko sa mga sasakyang bus pauwi ng mga probinsya ngayong Bagong Taon.

Ito ay dahil nagkalat ang mga colorum na bus na nag-aalok ng sakay at iligal na nakikiparada malapit sa mga bus terminals.

Sinasamantala ng mga colorum na bus ang dagsa ng mga tao pauwi ng mga probinsya na wala na halos masakyan dahil fully booked na karamihan ng mga bus terminals.


Ilan sa mga nahuli at natuklasang colorum na bus ay naka-park lamang malapit sa Araneta bus terminal na byaheng Bicol at Visayas.

Bukod dito, sobra ang singil ng mga colorum na bus na kinakagat naman ng ibang pasahero dahil sa wala na ring masakyan.

Babala ng LTFRB, huwag sasakay ng colorum na bus dahil hindi ito ligtas na sakyan ng mga pasahero.

Bukod dito, sakaling magka-aksidente ay walang hahabulin ang mga tao at hindi rin ito pumasa sa safety standards ng ahensya.

Facebook Comments