NANANATILI | Kondisyon ni Pangulong Duterte sa CPP, hindi pa rin nagbabago ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Mananatili ang kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ibalik ang formal peace talks sa Communist Party of the Philippines – new people’s army (CPP-NPA).

Paglilinaw ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng naging pahayag ng Pangulo noong Biyernes na itinuturing talaga nitong kaibigan ang npa kaya ayaw niyang papatayin sila.

Ayon kay Panelo, ang tinutukoy ni Pangulong Duterte ay mga npa lang sa Davao City na naging kaibigan na niya at sumuporta pa sa kanya noong nakaraang eleksyon.


Kaya aniya, hindi ito nangangahulugang bukas na ang Pangulo sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.

Iginiit ng kalihim na hindi nagbabago ang paninindigan ni Pangulong Duterte na dapat itigil muna ng mga npa ang pag-atake sa mga sundalo at pulis, paniningil ng revolutionary tax at iba pang karahasan bago sila muling harapin sa negotiating table.

Facebook Comments