Manila, Philippines – Nanatiling pinakamayamang mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Francis Jardeleza.
Ito ay batay sa summary report na inilabas ng Supreme Court Clerk of Court, base sa inihaing 2017 statement of assests, liabilities and networth ng labing-limang mahistrado ng Kataas-Taasang Hukuman.
Si Jardeleza ay may networth na higit 267 million pesos o pagtaas ng halos 9 million pesos mula sa 2016 networth nito.
Pangalawa namang may pinakamataas na networth noong 2017 si Justice Mariano del Castillo na 144.5 million pesos… at pangatlo si justice Alfredo Benjamin Caguiao na may networth na 123.8 million pesos.
Pasok naman sa may mahigit 100 million pesos networth si Justice Antonio Carpio na mayroong 105.87 million pesos.
Kabilang naman sa mayroon lamang 7-digit na networth sina Justices Alexander Gesmundo na nasa 8.2 million pesos, Andres Reyes Jr. sa 5.699 million at pinakamahirap sa kanila si Justice Marvic Mario Victor Leonen na may halos 3-million pesos.