Manila, Philippines – Nanatili pa rin sa evacuation centers at nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang mahigit 29 na libong pamilya o katumbas ng mahigit 135 libong indibidwal.
Ito ay matapos na lumikas sa kanilang mga bahay dahil sa walang tigil na pagulan nitong nakalipas na mga araw dulot ng naranasang habagat.
Batay sa rekord ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang mga nanatiling apektadong pamilya ay mula sa 954 na mga Barangay sa Regions 1, III, CALABAZON, CAR at NCR na lubhang naapektuhan ng Habagat simula pa noong Sabado.
Sa datos pa ng NDRRMC, 10,243 displaced families ang nasa loob pa rin ng 282 evacuation centers habang 38,606 families ay nakituloy sa kanilang mga kamaganak at kaibigan.
Bagamat bahagyang gumanda na ang panahon nanatiling nasa red alert ang NDRRMC operation center upang patuloy na imonitor ang ilang bahagi ng Luzon na apektado pa rin ng nararanasang habagat.