NANATILING LUBOG | Ilang Brgy. sa La Union, Pangasinan at Laguna, lubog pa rin sa baha

Nanatiling lubog sa baha ang ilang brgy. sa mga lalawigan sa La Union, Pangasinan at Laguna matapos ang walang tigil na pagulan dulot ng habagat.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Edgar Posadas baha pa rin ang 17 lugar sa San Fernando City La Union, at 14 na lugar sa Luna La Union.

Gayundin ang 134 na mga lugar sa Dagupan City Pangasinan.


Baha pa rin ang mga bayan ng Mabitac, Biñan, Los Baños at Pakil sa Laguna.

Kaugnay nito, batay pa sa monitoring ng NDRRMC umabot na sa 4.6 bilyong pisong halaga ng mga pananim at imprastraktura ang napinsala ng bagyong karding at habagat.

Sa halagang ito, 3.2 bilyong piso ay pinsala sa agrikultura at 1.37 ay pinsala sa Imprastraktura.

Umakyat naman sa mahigit 154,libong pamilya ang naapektuhan ng bagyong karding at habagat sa 469 na mga brgy sa Regions 1,3, CALABARZON, CAR at National Capital Region.

Sa bilang na ito, mahigit 22 libong pamilya ay nasa 253 na mga evacuation centers at mahigit 44 na libong pamilya ay nakituloy sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.

Facebook Comments