NANATILING ‘PEACEFUL’ | Mahigit 300 deboto nasugatan, nakaranas ng hypertension at pagkahilo sa nagpapatuloy na Traslacion

Manila, Philippines – Umabot sa tatlong daan at isa ang naitalang sugatan, nakaranas ng hypertension at pagkahilo dahil sa nagpapatuloy na Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hanggang kaninang alas -3:00 ng hapon.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Chief Inspector Kimberly Molitas, isang daan at dalawampu’t pitong deboto ay nasugatan at nabalian, habang 68 na deboto ay nakaranas ng pagtaas ng blood pressure at labing anim na deboto ag nakaranas ng pagkahilo.


Mas dumami rin ang mga debotong nakikiisa sa Traslacion na umabot nasa 615,800 as of 3pm.

400,000 deboto naman ang na-monitor ng NCRPO sa Quiapo Church na dumadalo ng misa at naghihintay sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa kabuuan, ayon kay Molitas, nanatiling ‘Peaceful’ ang ginaganap na Traslacion.

Facebook Comments