NANAWAGAN | ALU-TUCP, hinimok si PRRD na gawing P100 ang isinusulong na P25 daily wage hike

Manila, Philippines – Nanawagan ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress (ALU-TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na taasan sa P100 ang dagdag na arawang sahod ng mga manggagawa sa bansa sa halip na P25.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, dapat na pakinggan at pumanig si Pangulong Duterte sa hinaing ng mga manggagawa.

Umaapela din ng malasakit mula sa Presidente ang grupo dahil apektado na ng mataas na inflation ang nasa apat na milyong mahihirap na pamilya sa bansa.


Aniya, may kapangyarihan umano ang Pangulo na manghimasok at hilingin sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na gawing p100 ang arawang dagdag sa sahod ng mga manggagawa mula sa unofficial P25 wage hike.

Sinabi pa ni Tanjusay na matagal nang hinihintay ng mga manggagawa mula sa pangulo ang bunga ng mga ipinangako nitong pagbabago.

Kung magagawa ni Pangulong Duterte na P100 ang daily wage hike ay magiging P612 na ang minimum na sahod at malaki ang tulong nito para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Facebook Comments