NANAWAGAN | ALU-TUCP, muling iginiit na aprubahan ang P500 gov’t food subsidy

Manila, Philippines – Iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan ang P500 monthly food voucher subsidy sa lahat ng minimum waged-earners .

Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, kakarampot pa rin ang P32 na dagdag pasahod na ipinatupad ng labing anim na wage boards sa buong bansa maliban sa Caraga na ipinako sa P311 ang minimum wage.

Sinabi pa ni Tanjusay na bagama’t nag-rollback na ang presyo ng produktong petrolyo, ang pag-import ng bigas, magpapatindi sa sitwasyon sa buwan ng Nobyembre ang sunod sunod na taas pasahe sa transport sector at ang 11 centavo per kwh na taas singil sa kuryente ng Meralco.


Aniya, sa panahon na ito, mangangailangan ng mula P800 hanggang P850 kada araw ang mga manggagawa upang upang makapamuhay ng disente.

Sinabi ni Tanjusay na kung hindi kaya ng malalaking negosyante na ibigay ang nakabubuhay na sahod, dito kailangan ang malasakit ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaloob ng non-cash food voucher subsidy.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments