Manila, Philippines – Nanawagan ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa mga mambabatas na iwasan na gawing fashion show ang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU- TUCP, ang okasyon ay hindi panahon para magpatalbugan sa gara ng kasuotan.
Nakatutok aniya dito ang publiko na gustong marinig ang tunay na kalagayan ng bansa lalupa at may krisis sa ekonomiya.
Nais ng naturang worker’s group na ilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA ang direksyong tinatahak ng kaniyang pangasiwaan para sa tinatawag na genuine inclusive growth.
Umaasa ang mga manggagawa na may iaanunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng dagdag sa pasahod, pagpapababa sa presyo ng bilihin, pagtuldok sa contractualization at gawing ligtas ang mga pook pagawaan sa bansa.