NANAWAGAN | Appointment ni Budget Sec. Diokno, ipinarerekunsidera

Manila, Philippines – Bago ang adjournment ngayong gabi ng Kamara, naghain ng resolusyon si House Minority Leader Danilo Suarez na nananawagan kay Pangulong Duterte na irekunsidera ang appointment kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Sa House Resolution 2356, ang resolusyon para sa rekunsiderasyon kay Diokno ay kasunod ng hindi pa nareresolbang budget insertions sa pondo ng DPWH para sa 2019 na hindi pa nalalaman ng kalihim ng DPWH.

Kung mapatunayan ang budget insertion ay tiyak na iligal ito at na-by pass ang authority ng Presidente.


Sa pagsalang sa question hour kahapon kay Diokno, Hindi nito maipaliwanag ang isang construction firm na nakakuha ng bilyon bilyong pondo mula sa mahigit 30 infra projects.

Dahil dito may bahid na ang integridad ni Diokno at pinangangambahang magamit ang pwesto nito para i-accomodate ang kanyang mga kapamilya.

Facebook Comments