NANAWAGAN | CBCP, idineklara ang June 18 bilang “Day of Reparation” kasunod ng pagpatay kay Fr. Richmond Nilo

Manila, Philippines – Nanawagan si Caloocan Bishop Emeritus Teodoro “Ted” Bacani sa mga otoridad na silipin ang lahat ng anggulo kaugnay sa pagkamatay ni Cabanutuan Diocese Father Richmond Nilo.

Sa exclusive interview ng RMN DZXL MANILA kay Bishop Bacani, sinabi niyang mahirap mag-akusa at mag-espekula pero baka dapat alamin ang kaugnayan nito sa relihiyon.

Kwento niya, may nakapagsabi sa kanya na noong nakaraang linggo bago naganap ang pamamaril kay Father Nilo ay may nakadebate siyang lider ng ibang relihiyon.


Ayon kay Bishop Bacani, pagkatapos ng nasabing debate ay nakatanggap umano ng babala si Father Nilo na baka malagay sa alanganin ang buhay niya.

Kaugnay nito, ideneklara ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP ang June 18, 2018 na “Day of Reparation” bilang pagkondena sa pagpatay kay Father Nilo.

Simula June 18, patutunugin ang kampana sa lahat ng mga Parish Church sa buong bansa nang labing limang minuto tuwing alas sais ng hapon.

Una rito, bumuo nang task force ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang insidente.

Sa panig ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nila tutulugan ang nangyaring pagpatay kay Father Nilo at tiniyak na mapapanagot ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments