Manila, Philippines – Nanawagan si Richard Gomez sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pag-araling mabuti ang naging desisyon na huwag nang magpadala ng koponan sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Indonesia ngayong buwan.
Ayon kay Gomez, ang Chef de Mission ng Team Pilipinas sa Jakarta-Palembang Asian Games, nakakalungkot para sa Philippine basketball at sa mga fans na hindi makakakapaglaro ang Gilas Pilipinas sa quadrennial games.
Nauna na kasing sinabi ng SBP na kakulangan sa preparasyon ang siyang dahilan kung bakit nag-pullout sila sa Asias.
Pero sabi ni Gomez maraming player ang puwedeng mahugot para lumaban.
Dagdag pa nito na hindi na importante kung mananalo ang koponan ang mahalaga ay panindigan ng Pilipinas ang commitment nito sa international sporting community.
Inihayag pa ni Gomez na ilang linggo mula nang gawin siyang CDM ay wala siyang nakitang line-up ng basketball team sa Asian Games.