NANAWAGAN | COMELEC, hinimok ang mga kumandidato sa Barangay at SK na tanggalin ang mga ikinabit nitong campaign materials

Manila, Philippines – Hinimok ng COMELEC ang mga kumandidato sa Barangay at SK Elections na tanggalin na ang mga campaign materials lalo na ang mga nakakabit sa mga hindi itinakdang common poster areas.

Ayon kay COMELEC Commissioner Luie Guia, kung ano ang kanilang ikinabit at idinikit, sila rin ang may responsibilidad na alisin ito.

Aminado si Guia na hindi required ang mga kandidato na alisin ang kanilang campaign poster, maari pa rin silang habulin ng poll body.


Binibigyan din ang mga ito ng hanggang June 13 para magpasa ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Kinakailangang magsumite ng SOCE ang mga nanalo, mga natalo at maging mga nadiskwalipika sa eleksyon.

Ang SOCE form ay maaring ma-download sa website ng poll body: www.comelec.gov.ph

Facebook Comments