NANAWAGAN | DOH, isinusulong ang pagsasanay ng CPR

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) ang publiko na sumama at suportahan ang disaster and emergency preparedness initiatives lalo na ang pagsasagawa ng Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR).

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, maraming buhay ang masasagip sa pamamagitan ng CPR.

Aniya, ang myocardial infarction o atake sa puso ang isa sa nangungunang dahilan ng kamatayan sa Pilipinas maging sa buong mundo.


Dagdag ni Duque, isang paraan ang CPR sa pagbibigay ng emergency response sa mga taong nangangailangan nito hanggang dumati ang mga professional medical responders.

Punto pa ng kalihim, nasa 50% ang survival rate ang mabibigay sa mga biktima bago dumating ang advance medical help.

Panawagan ito ng DOH kasabay ng National Disaster Resilience Month.

Facebook Comments