Marikina – Nanawagan si Marikina Rep. Bayani Fernando sa DPWH na aksyunan ang nararanasang pagbaha partikular na sa Lungsod Marikina.
Sa ginanap na forum sa Tinapayan sa Maynila, pinayuhan ni Fernando si DPWH Secretary Mark Villar habang maaga pa ay kumilos na upang masolusyunan at maiwasan ang matinding problema sa baha.
Nababahala si Fernando sa malaking perwisyo na idudulot nito dahil ang pangunahing tatamaan nito ay ang mga mahihirap.
Giit ng Mambabatas na dapat ay gawan na nila agad ng kaukulang paraan sa lalong madaling panahon upang hindi masadlak sa matinding perwisyo ang publiko.
Matatandaan na nalubog sa baha ang Marikina City noong panahon ng bagyong Ondoy at nakalipas na Habagat na nais mabigyan ng agarang aksyon ng DPWH.
Facebook Comments