NANAWAGAN | DSWD, umapela sa publiko huwag magbigay ng limos sa mga batang lansangan

Manila, Philippines – Asahan na muli ang pagdami ng mga batang kalye sa urban areas tulad ng metro manila ngayong holiday season.

Kaya apela ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga bata at idaan ito sa maayos na pamamaraan.

Ayon kay DSWD Sec. Virginia Orogo – ang pagbibigay-limos ay hindi kailangang tulong ng streetchildren dahil mas lalo lang mahihikayat ang mga ito na magpagala-gala sa mga kalsada at magiging delikado ito para kanilang buhay.


Isinusulong ngayon ng ahensya ang #helpthehomelessph na layong magkaroon ng tamang istratehiya at ipaabot ang responsableng pagbibigay ng tulong sa mga street dwellers gaya ng gift-giving events, story-telling o art sessions, magsagawa rin ng feeding programs at medical missions.

Maari ring ipaabot ng pulbiko ang kanilang tulong sa DSWD sa pamamagitan ng ‘silungan sa barangay’ project na layong magbigay ng pansalamantalang tirahan sa mga street children at homeless families.

Facebook Comments