NANAWAGAN | Eco-Waste Coalition, umapelang iwasan na ang pagtatapon ng basura sa Manila Bay

Manila, Philippines – Umapela ang environmental group na Eco-Waste Coalition sa publiko na iwasan na ang pagtatapon ng basura sa Manila Bay.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner, hangga’t hindi titigil ang publiko na gawing basurahan ang Manila Bay, babalik at babalik din ang basura.

Aniya, dapat ding maging wakeup call sa lahat maging sa mga kinauukulan na panahon na para paigtingin pa ang environmental awareness at responsibilities ng tao.


Sabi pa ni Alejandre, ang pag-apaw ng basura sa Manila Bay ay paalala rin na iwasan na ang paggamit ng mga plastic materials at iba pang disposable na mga gamit.

Facebook Comments