NANAWAGAN | Gobyerno, hinimok na magkaisa sa gitna ng krisis sa Kuwait

Manila, Philippines – Nanawagan ng pagkakaisa si House Committee on OFW Vice Chairman Winston Castelo sa harap na rin ng panawagan na pagbitiwin si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Ito ay kasunod ng kontrobersyal na rescue operation ng OFW sa Kuwait na kumalat sa social media.

Giit ni Castelo, sa halip na batikusin ay dapat na suportahan pa ng taumbayan lalo na ng nasa gobyerno ang naging hakbang ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.


Hindi umano matatapos ang pang aabuso sa mga OFWs sa Gitnang Silangan at sa ibang mga bansa kung ang mismong hakbang na ginagawa ng DFA para tulungan ang mga naabusong Pilipino ay tinutuligsa.

Samantala, muling nanindigan naman si ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz na hindi na dapat magpadala ng domestic helpers sa Kuwait dahil hindi ito sumusunud sa Migrant Workers Act at hindi rin signatory ng anumang conventions para sa proteksyon ng migrant workers.

Facebook Comments