Manila, Philippines – Muling ipinanawagan ng transport group Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ang pagbibitiw sa tungkulin ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra.
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo sa harap ng LTFRB.
Ayon kay Efren de Luna, president ng ACTO, nagpakita ng natatanging pagpabor ni Delgra sa ibang transport groups na nabigyan ng Certificates of Public Convenience na makapag-operate ng bagong ruta routes ng Public Utility Vehicles (PUVs).
Aniya, dismayado sila kay Delgra dahil nawalan na ng pagkakataon ang ibang applicants dahil nakareserba na ang mga binuksang ruta.
Una na ring kinasuhan ng grupo sa Office of the Ombudsman si Delgra dahil sa paglabag sa Section 3 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.