NANAWAGAN | Grupong BAYAN umapela kay Pangulong Duterte na wag tularan ang Amerika

Manila, Philippines – Patunay lamang na umiiwas ang Estados Unidos sa accountability o pananagutan kung kaya at tumiwalag si US President Donald Trump sa United Nations Human Rights Council.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan hindi rin signatory ang Estados Unidos sa International Criminal Court (ICC) upang makaiwas sa pananagutan sa International community kaugnay sa usapin ng paglabag sa karapatang pantao.

Payo ng BAYAN kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag tularan si Trump na kumalas sa UN Human Rights Council.


Ikinababahala kasi ng grupo ang tila pag-idolo ni Duterte kay Trump na baka mauwi din sa pagkalas ng Pilipinas sa nasabing konseho.

Paliwanag ng BAYAN napakataas pa naman ng kaso ngayon ng paglabag sa karapatang pantao simula nuong inilunsad ang kampanya kontra illegal na droga.

Facebook Comments