NANAWAGAN | Ilang grupo, hiniling na huwag munang ipatupad ang taas-singil sa Meralco para sa buwan ng Hunyo

Manila, Philippines – Hiniling ng ilang grupo na huwag munang ipatupad ang inaprubahang taas singil ng Meralco sa Hunyo.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, dapat itigil ang taas-singil sa kuryente maging ang nakaambang na price hike ng “Feed-In-Tariff Allowance” (FIT-ALL) na bayad sa mga plantang gumagawa ng renewable energy.

Mula sa kasalukuyang P0.18 kada kilowatt hour (kwh), nakaambang tumaas ang halaga ng FIT-ALL sa P0.25 kada kwh.


Bukod sa Bayan Muna, nanawagan din si Laban Konsyumer President Vic Dimagiba na huwag munang ipatupad ang mga dagdag-singil sa kuryente.

Pero nanindigan ang Energy Regulatory Commission (ERC) at National Transmission Corporation (TRANSCO) na pasok na sa June bill ng lahat ng mga electric cooperative at distribution utility ang dagdag-singil bunsod ng FIT-ALL.

Facebook Comments