NANAWAGAN | Japan, nanawagan sa Russia na bawasan ang military operations nito sa mga pinagtatalunang isla

Nanawagan ang Japan sa Russia na bawasan ang military activities nito sa mga pinagtatalunang isla sa pacific.

Ang mga islang ito ay kinuha ng Soviet Union mula sa Japan noong World War II.

Nagkalamat ang relasyon ng dalawang bansa matapos ilabas ng Tokyo ang Aegis U.S. Missile System.


Ayon kay Japanese Defense Minister Itsunori Onodera, pinalakas ng Moscow ang pwersa nito sa apat na isla sa norte.

Nilinaw ni Onodera, ang missile defense systems ay gagamitin lamang sa kanilang depensa at hindi dapat ito ikabahala ng Russia.

Sa ngayon, wala pang nilalagdaang peace treaty ang Japan at Russia bilang tanda ng pagtatapos ng World War II.

Inaasahang makikipagpulong si Russian President Vladimir Putin kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Setyembre.

Facebook Comments