NANAWAGAN | Joma Sison, dapat nang itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon – AFP

Manila, Philippines – Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa estado ng Pilipinas.

Ayon kay Army Spokesperson, Lieutenant Colonel Louie Villanueva, dapat nang umuwi ng Pilipinas si Sison para malaman niya ang laki ng pagbabago sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ang aktibong partisipasyon ng kanilang commander-in-chief at ang patuloy na paggawad ng parangal sa mga sundalo ay patunay na malakas at walang sakit ang Pangulo.


Samantala, aabot na sa higit 3,000 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik loob na sa pamahalaan ngayong taon.

Facebook Comments