Nanawagan sa Senado ang mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine na baguhin ang alokasyon ng one-point-one billion pesos na supplemental budget para sa Dengvaxia vaccines.
Nakasaad kasi sa bersion ng Senado na mga batang nagkakasakit lang ng dengue ang paglaanan ng budget.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, malinaw sa report ng Sanofi na hindi lang severe dengue ang epekto ng Dengvaxia vaccine kundi marami pang iba.
Umaasa ang PAO at mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na susundin ang version ng Kamara sa gagawing bilateral conference para sa higit 1 bilyong pisong supplemental budget.
Facebook Comments