Nanawagan si House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles sa mga kabataan na magparehistro na para sa 2019 elections.
Kasabay nito ay ipinaalala ni Nograles na hanggang ngayong Linggo na lamang o hanggang Setyembre 29 na lamang ang pagpaparehistro.
Batid ng kongresista na aktibo at maraming nasasabi ang mga kabataan sa mga nangyayari sa social media pero mas malaki pa ang magagawa ng mga kabataan kung ihahayag nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng balota.
Naniniwala si Nograles na malaki ang magagawa ng mga kabataan para mabago ang paraan at direksyon ng bansa.
Hinimok din nito ang mga hindi pa rehistradong Pilipino na 18 taong gulang pataas na makapagparehistro sila sa mga tanggapan ng Election Officer (OEs) sa kani-kanilang lungsod, distrito o bayan.