Humingi ng tulong si House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa mga Local Government Units (LGUs) na linisin ang “Mabuhay Lanes” o mga alternatibong ruta.
Ito ay para maibsan ang matinding trapiko tuwing panahon ng Kapaskuhan.
Hiniling ni Castelo na para magamit ang mga alternatibong ruta ay kailangang seryoso itong linisin ng mga LGUs na nakakasakop dito mula sa mga nakaparking sasakyan, paglalagay ng signages at mga taong magbabantay.
Paliwanag ng kongresista, nakasalalay ang tagumpay ng Mabuhay Lanes sa mga LGUs dahil matatagpuan sa kanya-kanyang mga lungsod ang maliliit na kalsadang ito.
Sinabi naman ni Manila Representative Manuel Luis Lopez na dapat pagtuunan ng pansin ng MMDA na paluwagin ang trapiko sa bahagi ng SM North EDSA at EDSA Trinoma, EDSA Shaw Boulevard kung saan doon matatagpuan ang EDSA Shangrila at SM Megamall gayundin ang EDSA Taft.
Giit pa ng mga ito na dapat ay aktibong i-promote ng MMDA ang Mabuhay Lanes at huwag nang magbulag-bulagan ang mga traffic enforcers sa paulit-ulit na mga reklamo sa masikip na trapiko tuwing Christmas season.