NANAWAGAN | Labor Sec. Silvestre Bello pinasisibak sa pwesto

594

Manila, Philippines – Pinasisibak ni Secretary General Aly Dizon si Labor Secretary Silvestre Bello III o kaya mag graceful exit nalamang bago nila ibunyag ang mga hawak nilang mga ebidensiya kaugnay sa usapin ng katiwalian sa DOLE.

Sa ginanap na Presscon sa Manila ibinunyag ni Dizon na mayroon silang mga hawak na matitibay na ebidensiya na magdidiin sa kalihim.

Una rito ay naghain ang grupo ng reklamo sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban kay Bello sa paggamit ng kapangyarihan nito sa pagwawalang bahala sa reklamo kanilang idinulog sa kanyang tanggapan.


Matatandaan na dumulog ang grupo sa tanggapan ng DOLE upang ihingi ng tulong ang walong buwang sanggol na naiwan sa bansang Alkobar Saudi Arabia pero sa halip na tulungan ni Bello ay sila pa ang napasama hanggang sa nauwi ng hindi pagkakaunawaan at pinapaalis sila ng guardia ng DOLE.

Umaasa si Dizon na kakatigan ng Palasyo ng Malacañang ang kanilang kahilingan na sibakin na sa pwesto si Secretary Bello bago pa nila isiwalat ang mga kabulukan aniya ng kalihim.

Facebook Comments