Manila, Philippines – Muling nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipatupad ang death penalty sa mga large-scale drug traffickers.
Ayon kay PDEA Spokesman Derrick Carreon – ang kawalan ng mahigpit na batas ang dahilan kung bakit patuloy na nananaig ang problema ng droga sa bansa sa kabila ng pinaigting na kampanya ng gobyerno.
Problema pa aniya ang paghihigpit sa lahat ng mga pantalan sa bansa, lalo’t ang pilipinas ay isang archipelago.
Lumalabas din na ilang drug addict ang lumilipat sa paggamit ng party drugs tulad ng cocaine.
Facebook Comments