NANAWAGAN | Lisensiya ng MMML Recruitment Agency pinakakansela ng isang OFW sa DOLE

Manila, Philippines – Nanawagan ang isang OFW kay Labor Secretary Silvestre Bello III na muling pag-aralang ang pagkansela sa lisensya ng Molecular Modelling of Materials Laboratory (MMML) Recruitment Agency dahil naaantala ang pagtulong ng nasabing kumpanya sa mga kababayang OFW sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Ali Dizon Secretary General ng Kilusang Pagbabago National Movement for Change humingi ng tulong sa kanila si Mercy isang Overseas Filipino Workers (OFWs) kung saan naiwan ang anak na walong buwan sa kanyang kaibigan sa Alkobar Saudi Arabia na gusto sana niyang makuha kung saan ang inaasahan lang niyang makatutulong ang MMML Recruitment Agency.

Dismayado si Dizon sa naging pahayag ni Bello noong Lunes kung saan ay pinagbibintangan raw silang binabanatan nila ang kalihim at pinagsisigawan umano sila ni Bello sa harap ng kanilang mga kasamahan.


Facebook Comments