Manila, Philippines – Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang kay National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza na sumuko nalang sa mga otoridad sa harap narin ng inilabas ng Nueva Ecija Regional Trial Court na warrant of arrest laban dito sa kasong Murder.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, makabubuti kung lumutang nalang at sumuko nalang si Maza kung talagang inosente ito at patunayan niya ito sa korte.
Sa ngayon aniya ay wala namang direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kaso ni Maza pero hinikayat lang aniya nito na igalang ang Proseso ng batas.
Sakali aniyang hindi lumutang si Maza ay maituturing itong wanted person at hindi din dapat ito lumiban sa kanyang trabaho dahil mahalaga ang kanyang papel sa NAPC.
Inihayag din ni Roque na kahit minsan sa mga dinaluhan niyang Cabinet Meeting ay hindi niya nakita si Maza doon pero hindi naman aniya niya alam kung pinadadalo ito o hindi.