Manila, Philippines – Umapela ang Land Transportation Franchising and Regulatory BOARD (LTFRB) sa mga kumpanya ng langis na mag-isyu ng fuel vouchers na nagkakahalaga ng 900 million pesos para sa mga tsuper ng jeepney.
Ito ay para maibsan ang epekto ng pagtaas ng halaga ng petrolyo.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, handa silang makipagpulong sa mga oil companies para pag-usapan ito.
Umaasa si Lizada na tutulong ang pribadong sektor sa gobyerno sa mga panahong ito.
Itinakda sa June 15 ang pulong ng LTFRB sa mga oil companies.
Facebook Comments