NANAWAGAN | Malacañang, nanawagan ng ceasefire sa pagitan ng gobyerno at simbahang Katolika

Manila, Philippines – Nanawagan ng ceasefire ang MalacaƱang sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng simbahang Katoliko.

Ito ay sa gitna ng nalalapit na pagpupulong nina Duterte at Catholic Bishop Conference of the Philippines na President Archbishop Romulo Valles sa July 9.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman magdadalawang isip si Duterte na gumanti oras na muli siyang batikusin.


Maliban kay Valles, nakatakda ring makipagpulong ang pangulo sa mga kinatawan mula sa Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) sa MalacaƱang.

Facebook Comments